Friday, September 18, 2009

Is it the Final Destination already?


Watched Final Destination 4 the other night with my friend Jhen in GreenBelt 3.

I've seen Final Destination 1, 2 and 3 na rin. Yun 3rd ang favorite ko. Medyo mas nakakakaba na sya and mas grabe na yun ways ng pagkamatay nila.

Anyways, first scene pa lang medyo nabaliw na ako. Haha Unlike nung mga nauna, may ibang scenes muna before don sa part ng magkaka-premonition yun bida.

Panay takip ko ng mata, or yuyuko. Ayoko makita. Hahaha labo no? Gusto ko sya panoorin pero magtatakip naman ako ng mata dahil ayoko makita. Para kang sumakay lang din ng roller coaster pero tatakpan mo naman ang mata mo.

Yung ending lang ang slight may prob ako.

But I liked it.

Hyper

I'm a li'l hyper today.

Well, actually the other day too. And the day before that.

Why?

I have no idea.

Nung una, gutom lang ako. At kinukulit ko sila dito. Nangungulit ako ng matindi.

Today, hindi ko alam. May something ata sa pancake ng McDo.

Pero, before ako nag-breakfast this morning, sama ng pakiramdam ko. Masaket ang sikmura ko, nasusuka ako at parang umiikot paningin ko.

Kung hindi dumating si Aunt Irma nung end of August to first week of September, maiisip ko nang, baka buntis ako.

But anyways, di lang naman siguro buntis nakakaranas nyan diba.

Yun nga, pinapatigil na ako ng kapatid ko. Haha

Medyo emo pa rin ako today... chos. Kaso lang, sabi sa inyo... Kaya ko syang itago eh. Kaya eto, mas pansinin nyo na lang ka-hyper-an ko kesa ka-emo-han ko.




***Image from clipartof.com***

Thursday, September 17, 2009

permission to emo.

It's been a while.

And I just want to emote sana. Pero parang nahaharang. May pumipigil.

I'm a happy person. And as much as possible, ayoko ng nage-emote ako. And as much as possible, kung kaya kong itago, itatago ko.

Ayoko makadamay pag ganito nararamdaman ko. Pag may kakilala akong nakakaramdam ng page-emote, di ko na hihiritan, or kailangan daigin.

May kanya kanya tayo ng klase ng ine-emote. At pinagbibigyan ito.

Ngayon, hinihiling ko sana'ng hayaan ako sa nararamdaman kong ito.


Kamusta naman ang unang entry ng blog ko. Pasensya na.