Meron akong ex eh, 2007 pa. Pinaka batang naging boyfriend ko. Nakilala ko sya nung minsan nagbakasyon ko ng Pangasinan. Friend sya ng pinsan ko. At sabay ko sila nakilala ng isang crush ko na naging ka-MU at ex din.
Mabilis sya. Nagpapansin agad sya saken nung gabi na yon. Since sinabi na nyang may "asawa" daw yun crush ko, eh di sige sya na rin ang pinansin ko.
After a month, naging kame rin naman. Gusto ko lang sa kanya, super maalaga sya. Na parang ako ang bata samin, paghihimayan ako ng fish, alam nya allergic ako sa bagoong kaya gagawan nya ako ng ibang sauce, lagi sya concern kung nauuhaw na ba ako, hahanap at hahanap sya ng malamig na tubig for me. Ayaw nya madadapuan ako ng lamok. At pag kasama ko sya, alam kong poprotektahan nya ako. And whenever nasa Pangasinan ako, pag biglang kailangan ko ng susundo saken or maghahatid, andyan agad sya. Di yon magsasabi ng "hahanap lang ako ng masasakyan" or "tatapusin ko lang to", isasagot agad saken nyan ay "hintayin mo ako, pupunta nako dyan". Alam mo yun pakiramdam na napaka-special mo? Yon, ganon! Kulang lang talaga eh, yun feelings ko for him. Kase hindi ko nga naman sya mahal, like ko lang sya. Mas type ko pa nga non si Jaypee eh. At kahit pa nung hiwalay na kame, basta kailangan ko sya sa Pangasinan, andyan agad sya.
Naghiwalay kame when I found out married sya. Nagulo ako sa kanila. Natakot ako sa iskandalo. Pero pinaglaban nya ako. Pinili nya ako, pero ako na ang umayaw. Di ko kaya ang ganon klaseng gulo para sa sandali pa lang naming relationship. Ni hindi ko pa nga sya mahal. Hahaha isa pa, isip bata pa sya. Pero alam mo yon, ang sarap ng feeling kahit papano. Though alam ko mali, pero yun pakiramdam na pinaglalaban ka. Kung di lang sya married and may work sya, I'll marry him. Naramdaman ko naman yun sobrang mahal ako with Raymund eh. Pero iba si Gee. Marunong sya ipaglaban yun gusto nya. And hindi ako basta basta naniwalang pinaglaban nya ako dahil lang sinabi nya ah. Naniwala lang ako nung sinasabi na saken ng wife nya na iniiwan na sya and pinapili nila si Gee, at ako ang pinili. Ang haba ng hair ko :D nababalitaan ko na rin yun mga gulo na nangyayari don. And puro dahil saken. Pati parents and mga lola na nya. Sikat na nga pangalan ko sa lugar nila eh. Takot na takot akong dumaan don dati, kase feeling ko bigla na lang may hahablot ng buhok ko.
So naghiwalay kame, and sabi ko try muna nila mag-asawa ayusin problema nila. Nagkabalikan din yata sila saglit eh. Pero ang sabi nya non, babalikan lang nya asawa nya para wala nang gulo. Pero ako pa rin ang gusto nya.
Tuwing umuuwi ako ng Pangasinan and may chance magkita kame, nagkikita naman kame kahit hiwalay na. Ang bad ko nga eh, minsan kinokontak ko na lang sya pag kailangan ko lang sya. Pero natigil din yon. May times na lang din na, ite-text pa rin nya ako. Kahit nung naging kame na ni Jaypee nung 2010, tine text pa rin nya ako. Di namin masabi sa kanya na kame ni Jaypee kase nga alam namin na masasaktan sya. Kapal ko no, feeling ko talaga mahal nya ako. HAHAHA
Summer na rin nung 2010 na yon natigil communication namin. Bumalik last year, bandang September. Nagparamdam ulet sya saken nung nasa CamSur sya. Nakausap ko sya non, and tuwang tuwa ako sa kanya. Kase nagbago sya. Parang nag-mature na. Sabi nya, na-realize na raw nya na tama mga sinasabi ko sa kanya noon kaya daw inaayos na nya buhay nya. Gusto ko sya kausap non kase hindi na nya tine-take ng negative mga sinasabi ko. Basta, nagbago.
Came December 2011, nagkita kame. Nagpunta ako ng Pangasinan para mag celebrate ng birthday with my cousins. Nag-plan kame mag Bolinao. Pero sinabihan ko lang si Gee, mismong araw na dumating ako ng Pangasinan. Aba after ng duty nya, pinuntahan naman nya agad ako.
Naman, ang gwapo nya non. Yon ata time na pinaka gwapong gwapo ako sa kanya. Syempre nag-catch up kame. Sabi nya, alam na pala nya na naging kame ni Jaypee. Kinuwento din nya na naging sila rin pala ni Joyce (ex-present-ex-present gf ni Jaypee). Uminom kame, nagkulitan. Inaya ko sya sumama samin sa Bolinao, nag-oo naman. Di nga lang nagising. Parang di ko sya matigilan tignan that time. Gusto ko sya i-hug and i-kiss. Hahahaha
Nagkita na lang ulet kame, last Holy Week. Nung nag-Pangasinan kame nila Otch and Sally. Sa kanila kame nakituloy. Ok naman sya non. Pasado pa nga sya don sa dalawa, marunong daw makisama. Ok daw kausap. And ganon pa rin sya, maasikaso pa rin. Maalaga. Di pa rin ako pinapabayaan. Mas malakas na nga lang sya mang-asar. He kept saying naman din "luvu" pero di ako naniniwala. Duda ko kase meron syang girlfriend. Hindi naman din continuous yun communication namin.
And nitong weekend lang, bumyahe lang naman ako ng 9hours to see him. Oo, meron kaming Caramoan trip. Pero ang totoo gusto ko talaga syang makita and makasama. Gusto ko tignan kung may chance pa ba kame. Di kase kame nagka moment nung Holy Week para pakiramdaman ko eh. Naisip ko baka pag punta ko sa CamSur, may chance kame. Since dumating ako a day before ng Caramoan trip.
Kaya lang, lakas pa rin nya akong asarin. Pero yon, matatanggap ko eh. Okay lang saken. Kaso nagmukha lang akong tanga. Naghihintay lang ako na pansinin nya ako. Hinihintay kong bitiwan nya cellphone nya at ako naman ang asikasuhin nya. Samantalang, di nya ako tine-text, lagi nya sinasabing wala sya natatanggap or wala syang load. Pero nung andon ako, di sya mapakali. Halos di nya binibitiwan cellphone nya. Tapos sasabihan naman nya ako na, gusto nya pa ako. May mga hirit pa syang wag nako umuwi, don na lang daw ako. Hindi ko naman nararamdaman na sincere sya.
Di naman ako tanga eh, nakita ko naman na hindi na nga ako ang gusto nya kahit sabihin pa nya. Marunong naman ako bumasa ng actions. May one time pa, sabi ko magna-nap ako, nagpapasama ako sa kanya. Ginawa nya, yun bata ang inutusan nyang sumama saken. Eh gusto ko nga sya maka usap diba. Tapos may time pa, natakot ako. Feeling ko may naglakad sa room. I texted him, di dahil lang gusto ko ng moment, totoong natakot ako. Pero di nya ako sinagot, di rin nya ako sinilip. Nung pang 3rd time na parang may naramdaman ako, tumayo nako at tumakbo pababa. Tinawanan pa ako. Before matulog nung gabi na, I went downstairs to check up on him (he's cooking our baon kase for Caramoan), and para uminom na rin ng water. Parang nagulat sya saken, and may dala syang laptop, ayun pumunta sa masters bedroom. Yon isa pang confirmation ko na, he has someone. After that, oo na, I can take a hint. I know hindi na ako. So, nagma-cold na lang ako. And hindi nako dumidikit sa kanya. Tapos sya naman yun parang gusto ulet magdididikit saken. Sya na rin naghatid saken sa terminal. At pag hiwalay namin, tinext ko sya. Gusto ko sana sya kausapin eh, kaso wala nang time. I told him na lang na, wag na namin i-try pa. Sinabi kong alam ko may girlfriend sya, and maging friends na lang kame. Wala naman na sya reaction. Siguro, yon na rin yon. Ok na sa kanya.
Medyo sad lang ako ngayon, kase nanghinayang ako na mawawala na yun isang guy na kinukulit ako for 5 years. Yun malambing, mapagmahal at maalagain. Nagiging practical lang din kase ako, hindi naman pwedeng maging kame at nasa ganitong edad nako na ang boyfriend ko ay bata, hiwalay sa asawa at walang trabaho.