There's this guy.. that I kinda like. He got me confused.
We started chatting last October. With webcam pa. Super ok yun first ever chat namin. Sumunod don was palitaw na. Pero he told me that he wanted to meet me pag umuwi sya dito sa Manila. He's in Quezon kase with his family.
Never naman naging constant ang chat namin. Pero I find him ok. Siguro dahil sa mga napag-uusapan namin, yun flow ng chat. And I saw his pics, he's into photography din. So I thought may something in common din kame.
Naka-ilang times din sya na lumuwas dito para sa enrollment nya, or sa kung ano pa man. Pero hanggang sabi na lang sya na mag-meet kame. Di kame nagte-text talaga, naka Smart sya, naka Globe ako. Pareho kame na ayaw mag-text sa ibang network. Hahaha
Anyways, December sabi nga nya meet daw kame. January start ng class nya. I invited him pa for my birthday. He'll see daw, wala naman pala sya dito sa Manila. Pero sinasabihan nya akong he cant wait na raw to meet me.
January came. Sabi nya 2nd week start ng class nya. Makakapag-meet na raw kame. And we did. Pero deadma ako ever sa "date" na sinasabi nya hangga't di kame natutuloy. Kase nga naka ilang beses na sya lumuwas and nagsabi mag-meet kame hindi naman natutuloy.
Jan 16, plan na namin mag-meet. Watch ng movie or kakain or bahala na. Ang gusto nya nung una eh, dito sa house namin para magluluto kame. He's into cooking. Kaso sabi ko malabo kase ang dami tao dito, ayoko nung ganon. Parang madaming istorbo.
Jan 15, may coffee date ako with Mon and Otch. And went to Rob Place para bumili ng dress. Yeah, for my date. Kahit di pa rin ako 100% sure na tuloy. Kase I havent heard from him. But, before ako umuwi from RP nag-text sya. Kinamusta ako and ano daw plan ko ng Saturday. See don pa lang di pa sure. Told him wala nga. Sabi nya kung wala daw ako gagawin meet daw kame after ng class nya. Don ko pa lang na-sure na matutuloy na nga kame.
Pag uwi ko, nag-rest for a while and nag-ready to meet the two. Pero ka-text ko pa rin sya. Pinag-uusapan na namin kung anong gagawin pag nagkita kame. I asked pa where sya exactly nakatira. Kase nga medyo malapit lang sya dito samin.
Sabi ko halos nadadaanan ko lang pala place nya pag pumupunta ako ng Makati. Blah blah blah. Sabi ko pa nga, madadaanan ko yon nung gabing yon kase pupunta ako sa Columns. So, bigla nya sinabi meet kame.
Kaya nangyari, sumunod sya sa Columns. Na-meet nya sila Otch and Mon.
Jan 16, natuloy naman kame. Til 1pm lang pala ang class nya, I thought kase gabi. Kaya maaga rin ako nag-ready. Met up with him sa Greenbelt. Ikot saglit, bought ticket. Tambay while waiting.
We watched Sherlock Holmes. Ok yun movie. After non, kain na raw kame kase gutom na sya. Isip kame san kakain, san ko raw gusto. And he knows steak ang gusto ko, sya rin naman. Chili's ang winner. So went there, nagpa-lista. Tapos sumilip muna kame sa Fox. Pagbalik namin, waited pa for 2mins siguro. Kumain, nagkwentuhan. Gusto pa ipahawak saken camera nya. Pero you know me, hindi ako palahawak sa mga camera ng ibang tao. As in, hindi ako nanghihiram, di ako nangangalikot. Nahihiya ako. Pero yon, kahit ino-offer na nya, gamitin ko raw para sa photo of the day ko. Kaso sabi ko gusto ko camera ko rin ang gamit ko. Marami kame napag-kwentuhan.
Then, found out na lalabas si Otch. Kaya nakipag-meet kame sa kanila ni Clint sa Bureau. Dumaan muna kame ng bahay para makapag change ako ng shoes. Ok naman sya. Kahit medyo tinamaan ako sa tapang ng pinatimpla nyang vodka seven.
He dropped me home.
The next day, nagkita na naman kame. Biglaan. Nanood kame ng Rebound with Jhen, Mon and Otch. Wag na details, I'm not in the mood. Pero it was a good movie ah. Ate dinner at Goodah after, then home.
Nagkita ulet kame ng sumunod na saturday, Jan 23. Shoot sana sa Harbour Square ng sunset. Kaso wala maayos na pwesto eh. Na-meet nya naman this time sila Sally, Tin and Joyce.
And went clubbing after. Oh diba, yun jog/shoot na plan namin ay nauwi sa pagsayaw sa Encore. Ate at Goodah again before umuwi. The next daw, nagpunta kame kila Jem. Fiesta kase. Pag uwi pala nya, may text pa yan. Pero medyo late na yon eh, ang lamig daw. Sarap daw may kayakap matulog. And if ok lang daw ba hug ako pagtulog. Kesyo wag pa nga raw ako malikot. Hahaha
Monday, magka-text kame. Bored daw sya. Blah blah... ako naman nasa grocery. Tapos humirit ba naman ng ewan ko ba parang hinahanap kita, or something like that. Sabi ko nasanay lang sya nagkikita kame ng weekend tapos mahabang time din. Hindi daw yon. Well, ewan ko.
Tuesday, pumunta sya dito sa house. Ka-text ko kase sya. Nagtatanong san may ok na wifi para makapag upload na sya ng pictures nila nung reunion and pics namin sa Harbour. Nag-offer ako, sabi ko pumunta sya dito sa bahay. So, he went nga. Dala MacBook nya. Nagpa-pizza pa. Kaso, halos internet lang talaga ginawa nya. Though, magkatabi naman kame sa floor, pati laptops namin magkatabi. Pag napapanood ako ng tv, tatawagin nya ako. May ipapakita sya sa laptop nya, or magtatanong yan kung ano daw maganda i-download na dance songs. Plus, nagpatulong sa iTunes nya. 11ish, late na raw. Uwi na daw sya. Nyak diba. Hinayaan ko. Pinauwi ko sya.
Thursday, nagkita ulet kame. Had coffee at Starbucks Columns. Eto pa lang ata yun nagkita kame na wala kami kasamang iba. Kwentuhan lang. I slight got bored. Nakahalata lang ako na pala kwento sya. And parang di ako makasingit. Mas mahilig sya magsalita. Pero ok lang, naisip ko palampasin lang. For a change, di ako ang pala-kwento. He brought his camera pala with him. So kung di sya magkukwento, kukuha sya.
Friday, nag-meet ulet kame. We plan to watch a movie eh. Hindi natuloy. Nag-aya si Sally mag-Boozestop. Sinubukan ko tanungin si Beejay, go naman sya. So, tablado ang movie. Met up with him sa Boozestop. Sumunod sila Clint and Otch, then Ezi and Sally. Then James then Mei. Lahat sila na-meet si Beejay. Nabigla ata yun tao. Hahaha
He didnt bother na ihatid ako pauwi. Kahit pa malapit lang house namin pareho at porket siguro mas malapit na bahay nya sa Boozestop. So nalito ako dito. Binabarkada lang ata ako. Yun first date lang namin ang ni-treat nya ako. Walang problema saken yon. Di naman talaga ako mahilig magpa-libre. Kaya nga rin ayoko lalabas ng di pa naka-sahod. Weird lang, coz niyaya nya ako magkape night before diba, hindi sya nag-treat. What if di ako nakahiram ng pera non? So naisip ko nga rin na, hindi ako dine-date nito. Kase kung dine-date nya ako, kahit papano manlilibre sya.
Kahiya man aminin, at walang nakakaalam ako nagbayad ng entrance nya sa Bureau. Naisip ko na lang na, di naman namin alam pareho may entrance don, tsaka nilibre na nya ako ng movie and dinner eh. Pero nag-treat naman din sya ng drinks don. Pero nung Encore, ako rin nagbayad nung drink nya. Kataon lahat kame non walang pera. Tapos di sya nakapag-withdraw. Naisip ko naman, baka bayaran nya ako after. Well, he didnt.
So saturday, EKscapade na namin. Sumunod lang sya sa EK kase nga may class pa sya. Otch paid for his ticket muna. Pero di pa namin sya nasingil til now. Naisip ko rin, baka inis yon kase pinilit namin syang sumama. Kinuhaan sya ni Otch ng ticket kahit di sya nag-oo na sasama sya samin. Sya lang walang work samin.
Anyways, that was the last time I saw him. Ano na nangyari after EK, I'll blog about it later.
No comments:
Post a Comment