I watched this movie earlier. Alam kong tatamaan ako sa movie na to, pero gustong gusto ko sya mapanood. Maybe because of Derek Ramsay and Anne Curtis.Inabot din ng one week bago ko mapanood. Di dahil I'm not ready. Dahil sa mga gustong sumama na di maka-decide kung gusto talaga sumama or not. Pero ok lang, coz I saw it na.
Unlike ng "A Love Story" maraming linya sa "No Other Woman" ang swak na swak. Pero mukhang eto, eto ang mas kwento ko at hindi yun nauna.
Sakto ang linya ni Cara (Anne Curtis) tulad ng "You will only be called a mistress when there’s an emotional attachment. I’m not a mistress!".... Dahil eto ang saktong nararamdaman ko the time I'm seeing Raymund. Sabi ko sa sarili kong hindi naman ako mistress dahil wala kaming relasyon. Tulad nga sa isa pang linya ni Cara na "We’re just two consenting adults having fun, there’s no emotional attachment." Sabi ko pa nga, no strings attached. Ma-in love, talo!
Pero I fell pa rin. Too late na para kumalas pa. In love na pala ako when I found out he's married. Pero when we started dating, don kame nag usap na no strings attached. We both dont want to be in a relationship. I just got out of a 5 year relationship, at rason nya ay madali syang magsawa (married pala ang totoong dahilan :D). We dated 2 months din before ko nalaman na married sya.
Anyways, dito na ako mas nasaktan na kanina sa linya ni Cara na "Anong gagawin niyo if the only man that you love is unfortunately married". Saket na saket ako at wala ako magawa na mahal na mahal ko sya, pero dahil may asawa sya, hindi pwede. The relationship (with no commitment) lasted for 2 years. Feeling ko pa rin, hindi kame dahil nga, walang commitment eh.
Maganda lang sa ginawa ni Ram (Derek Ramsay) in this movie, meron syang (excuse me sa word) bayag para iwanan si Cara at piliin si Cha (Christine Reyes). Kase, bigla lang akong iniwan sa ere ni Raymund. Alam ko namang aabot kame sa hiwalayan, pero mas maganda kung hindi sya nawalang parang bula lang.
La lang, nasaktan lang ako sa movie. At, na-miss ko ng kaunti si kalbo.






