Wednesday, June 29, 2011

Ume-emo lang.

Baket ganon, nasa-sad ako?

Showing na ang Transformers. First day pa lang naman, pero baket parang pakiramdam ko hindi ko na naman sya mapapanood? Wala na maayang manood.

Minsan isa to sa mga kinalulungkot ko na wala akong boyfriend eh. Yun walang mahatak manood ng mga gusto ko mapanood. Or yun maayang kumain pag may gusto akong kainin. Pag gusto maglakwatsa, wala ring maaya.

Nung mga nakaraang taon, deadma nako eh. Di ko namamalayan yun pagiging single ko dahil I have friends. Di naman ako nawalan ng kaibigan. Pero ilang buwan na silang busy. Masama ako pag sinabi kong binabalewala nila ako. Kase trabaho yon eh, sino naman gustong mawalan ng social life diba?!

Ang kaso baket ganon, parang pag sa iba naman may mga oras. Baket pag nagpaparinig ako or nag-aaya kung hindi sasagot, hindi pwede. Di na magtugma tugma mga oras naming lahat. Ang hirap na hanapin free time nila.

Dibale, I'm sure in a couple of months, luluwag din sked nila and madali na sila ulet makita.

Sana nagiging busy rin ako sa maraming bagay para naman di ko nahahalata mga ganitong bagay. Ang hirap saken kase, sa kanila ko lang din pinaiikot mundo ko. So eto ako ngayon, naiwanan. Pero parang sobra naman para sabihin kong naiwanan. Alam nyo na ibig ko sabihin. Hindi totally naiwanan talaga. Coz I still have them.

Ewan ko, napapa-emo lang ako.

No comments:

Post a Comment