Wednesday, June 29, 2011

Ume-emo lang.

Baket ganon, nasa-sad ako?

Showing na ang Transformers. First day pa lang naman, pero baket parang pakiramdam ko hindi ko na naman sya mapapanood? Wala na maayang manood.

Minsan isa to sa mga kinalulungkot ko na wala akong boyfriend eh. Yun walang mahatak manood ng mga gusto ko mapanood. Or yun maayang kumain pag may gusto akong kainin. Pag gusto maglakwatsa, wala ring maaya.

Nung mga nakaraang taon, deadma nako eh. Di ko namamalayan yun pagiging single ko dahil I have friends. Di naman ako nawalan ng kaibigan. Pero ilang buwan na silang busy. Masama ako pag sinabi kong binabalewala nila ako. Kase trabaho yon eh, sino naman gustong mawalan ng social life diba?!

Ang kaso baket ganon, parang pag sa iba naman may mga oras. Baket pag nagpaparinig ako or nag-aaya kung hindi sasagot, hindi pwede. Di na magtugma tugma mga oras naming lahat. Ang hirap na hanapin free time nila.

Dibale, I'm sure in a couple of months, luluwag din sked nila and madali na sila ulet makita.

Sana nagiging busy rin ako sa maraming bagay para naman di ko nahahalata mga ganitong bagay. Ang hirap saken kase, sa kanila ko lang din pinaiikot mundo ko. So eto ako ngayon, naiwanan. Pero parang sobra naman para sabihin kong naiwanan. Alam nyo na ibig ko sabihin. Hindi totally naiwanan talaga. Coz I still have them.

Ewan ko, napapa-emo lang ako.

Tuesday, June 21, 2011

Purple/Pink Day.

Ngayong araw na to ay isang Pink and Purple day. May isang oras na ako sa office nung mapansin kong shades of Purple and Pink ang suot ko today. Shirt ko ay lavender na may pink and purple. Bracelets ko, meron din pink and lavender. Watch ko, merong pink. Flipslops ko, purle sole and pink/turquoise strap na pink din ang logo. And, meron pang di kayo nakikita na pink and purple pa. Hahaha also, nail polish ko ay purple din. Ang saya!

Here's a pic.

IMY Pow!!

Havent seen or watched Pow for almost a month now. Nakaka-miss ang boses nya. Nakaka-miss yun sayaw nya. Nakaka-miss makipagkulitan sa kanya.


Eto na pinakamatagal na walang nag-Pow night sa buong grupo. 2 weeks lang pinakamatagal namin dati e.

Masyado na ngang naging busy ang mga tao. Naglipatan ng bahay, dumami ang projects, maraming trabaho. Sabi nga nila nag-mature na sila. :)

I just miss Pow. I miss the company din whenever may Pow night. Nakaka-alis ng stress si Pow eh. Kahit ng pagka bad mood, si Pow ang sagot eh. Happy Pill nga! Ngayon, kikinig na lang ako ng songs nya at ng playlist nya. Pati mga vids nya. Don ko na lang naririnig ang boses nya at nakikita ang pag-perform nya. Nakaka-miss yun bata.

Kelan kaya ulet makakapag-Pow night ng kumpleto ang Powettes? I miss them na eh.

Thursday, June 16, 2011

Where are you, Aunt Irma?

I'm on PMS for a week now. At si Aunt Irma ay niloko ako. Nagparamdam the other day. Pero slight lang. Nag-cancel pa ako ng date kase alam ko magkaka-dysme ako sa sked ng labas namin.

Pero, biglang nawala. Hanggang ngayon, wala pa. Dumadami na ng dumadami cravings ko, humahaba din pagiging emo ko, buti na lang at hindi ako sobrang sensitive. At mabuti hindi lahat ng tao eh tinatarayan ko. Pero biktima si Brenda dahil hindi ko sya pinapansin for almost a week na.

I am 2 days late. Eto na pinakamatagal kong late, usually sakto or 1 day lang.

Nakakainis na. Ayaw man kitang kasama Aunt Irma, pero kailangan mo na dumating.

Tuesday, June 14, 2011

Yummy Philly Cheesesteak.

Super busy today. I ate breakfast around 11 na. Hindi rin ako nag lunch dahil lunch break, gumagawa ako ng invoices na kailangan dalahin. Loser.

And this afternoon, nung super gutom na ako, na-aya ko si Ate Weng magpa-deliver from Kenny Rogers. Ayan, I ordered Philly Cheese Steak for the first time. Masarap naman pala sya. Buti na lang, dahil napakamahal nya no! :D

Kaya lang while eating, nainggit pa rin ako sa roast chicken na order ni Ate Weng. Parang I want roast chicken din. Hahaha keri na mag-Andoks?

Monday, June 13, 2011

Just the two of us.

Kaming dalawa lang ni Daddy sa office buong maghapon today. Si Derick ay out-of-town pa rin at ang isa ay absent na naman. Sila Tito Boy and Mang Manny ay nag-field naman.

Medyo boring. Tapos may pagka mainit pa ang ulo ni Boss. So walang kwentuhan nagaganap. Hahaha kaya ako ay mega abang naman sa oras para makasibat na.

Busy rin, pero sakto lang. Hindi naman super dami ng RFQ today. Kaso since ako lang pwede gumawa today, medyo nakakaloka. Ni hindi ko mahawakan ang phone ko. Sayang ang free unlimited texting ko. :D

Wala namang exciting na pangyayari sa araw ko. 8am ako bumangon kanina. Nagpa-deliver ng breakfast sa McDo na 50mins before dumating. Nag-usap kame ni Ate. At nag-email ako kay Mommy. Nanood din ng game 6 ng NBA. Yey Mavs won!! Woot woot!!

Well, I hope you have a good evening. I'm logging out! :)

Wednesday, June 8, 2011

Rainy Wednesday!

It's the mid-week. And it's raining. Sakto lang weather, di mainit. Anyway, kulang ako sa tulog. 5am na bumagsak mata ko kanina. 9am ako nagising, nagulat ako sa oras kaya biglang tayo ako. Masaket sa ulo. I went to see Yujin last night. May nakakatawa kame naging topic...

him: kanina nga nakakita ako ng shepherd sa labas.
me: ows? san?
him: sa labas ng bahay. kasama amo nya.
me: di nga? meron dito? (di makapaniwala)
him: oo naman. ang dami kaya german shepherd dito.
me: (napaisip. at tumawa ng malakas. dahil ang nasa isip ay "tupa")
him: (pinagtawanan na lang ako at di naka get over)

Sobrang kulet. Tawa kame ng tawa. At hindi ko nga naman malaman kung baket sheep ang unang pumasok sa isip ko when he said shepherd. Asar talo tuloy ako. Pano naman daw magkakaron ng sheep dito sa Manila. Sa City pa. Hahahaha ewan. Anyways, akala ko makakanood ako ng "X-Men: First Class" last night. Kaso hindi natuloy. Sayang. Haaay I miss my friends. Masyadong busy ang mga mahal kaya di kame makapagkita kita.