Saturday, June 2, 2012

Ako na lang.

I'm sad today. Lola and Jonah left for Pangasinan earlier. Si lola, di na kase makatagal dito, gustong gusto na nya umuwi. Mas masaya kase sya don dahil may mga friends sya don at nakakakabas sya ng bahay. Dito kase, more on tv at tulog lang sya. Ayaw nya ng ganon. Si Jonah, well pinauwi na ni daddy. Medyo may problema lang sila with her. Kawawa lang yun bata kase pinatigil muna sya sa school. Kaya naghanap naman sya ng work. Problema lang, ayaw ni daddy nandito dahil nagiging problema nga raw :( kids these days, kakaiba na. Isa pa, si Jem. Di ko na pinabalik dito and gusto ko patigilin. I know, sayang yun one year pa nya sa school, pero he needs to learn his lesson. Napa barkada eh, ok lang sana pero di sana sa mga loko. Mabaet na bata naman yun magkapatid. Meron lang talaga sila naging gawain na di nagustuhan ni daddy, at namin. Pinapag aral mo eh, sana diba sumunod naman. Di na mapipigilan paglabas nila, pinagdaanan ko rin yan eh. Pero grabe lang, nagpaaral saken daddyko mismo. At kame at nagpapaaral sa kanila, konting utang na loob at respeto lang sana. Pag alis nila this morning, nag sink in saken lahat na mag isa na lang din ako. Derick got married and bumukod na. Though I still see him pag may pasok, iba pa rin yun di na kayo sa iisang bahay nakatira. Tapos ate and mom, married and living in the US. Daddy has madi. Mga alaga ko, wala na rin. My friends are busy. Yun nag iisang guy na kumukulit at gusto ako for the past 5 years gave up. Uuuuy self pity. Kinda! Mami-miss at nami-miss ko lang mga tao.

No comments:

Post a Comment